• Low Down Feat. Lite Rock

    Low Down Feat. Llite Rock Music
  • Lite Heart and Love Songs

    Lite Heart Love Songs feat. Todays Favorites and Classic Love Songs
  • CMT Country Music

    CMT Country Music Feat. Todays Country and Yesterdays Country
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4

Angel Locsin hanga sa co-stars sa 'The General's Daughter'

Angel Locsin hanga sa co-stars sa 'The General's Daughter'

Itinuturing ni Angel Locsin na "perfect moment" ang kaniyang pagbabalik-telebisyon sa pamamagitan ng "The General's Daughter" lalo at karamihan daw sa co-stars niya sa programa ay pangarap niyang makatrabaho.

 

Gaganap si Angel Locsin sa "The General's Daughter" bilang sundalong pinalaki para patayin ang sariling ama.

Itinuturing ni Angel Locsin na "perfect moment" ang kaniyang pagbabalik-telebisyon sa pamamagitan ng "The General's Daughter" lalo at karamihan daw sa co-stars niya sa programa ay pangarap niyang makatrabaho.
 
Binitawan ni Locsin ang pahayag noong Martes sa press conference ng "The General's Daughter," na nakatakdang ipalabas sa Enero 21."I think ito 'yong perfect moment na babalik ako ng teleserye kasi parang nandito po lahat ng mga dream kong katrabaho," ani Locsin.Ikinuwento ni Locsin na noong story conference para sa serye, natameme siya dahil sa pagkasorpresa sa mga artistang makakasama niya sa proyekto.
 
"Kung alam niyo lang po 'yong excitement ko noong nalaman ko, nagkita-kita kami sa story con kung sino 'yong mga kaharap kong artista, hindi ako nakapagsalita talaga," sabi ni Locsin.Hindi napigilan ni Locsin na magpahayag ng paghanga sa mga co-star na mga beteranong artista, partikular kina Maricel Soriano, Eula Valdez, at Janice De Belen."Hindi ko akalain na isang 'Diamond Star' makikita ko kung papaano siya off-cam and kung papaano kaganda 'yong mata niya 'pag umaarte siya," sabi ni Locsin ukol kay Soriano."Si Ate Janice [De Belen]... sobrang galing na galing na galing ako sa kaniya," aniya.Kuwento pa ni Locsin, ginagaya niya noon si Amor Powers, ang karakter ni Valdez sa bersiyon ng "Pangako Sa 'Yo" noong 2000."Si Amor Powers na dating ginagaya lang namin noong high school tapos ngayon nakakausap ko siya," ani Locsin. Tampok din sa serye sina Albert Martinez at Tirso Cruz III, na gaganap bilang magkatunggaling mga heneral.Kasama rin sa cast sina JC De Vera, Paulo Avelino, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte, at Loisa Andalio.
 
Ang "The General's Daughter" ang kauna-unahang serye na pagbibidahan ni Locsin makalipas ang limang taon. Huli siyang bumida sa "The Legal Wife" noong 2014 at nag-guest sa "La Luna Sangre" noong 2017.Bibigyang buhay ni Locsin sa serye ang karakter ni Rhian, isang sundalong pinalaki para patayin ang kaniyang sariling ama.
Internet Radio

Monster Top 20 Jan 13th, 2019

showtop201

20. Calvin Harris & Sam Smith -
Promises
 
19. Bebe Rexha -
I'm A Mess
 
18. Ellie Goulding & Diplo  (ft.Swae Lee) -
Close To Me
 
17. Mark Ronson (ft.Miley Cyrus) -
Nothing Breaks Like A Heart
 
16. The Chainsmokers (ft. K Ballerini) -
This Feeling
 
 

 

 

ENG Sticker 2018Whitebackground

Loading ...